CENTRAL MINDANAO- Namahagi ng suportang pinansyal si Senador Christopher Bong Go sa mga biktima ng lindol sa probinsya ng Cotabato.


Sinabi ni Go na plano nitong magpatayo ng malasakit center sa Kidapawan City at North Cotabato para matulungan ang mga residente na may iniindang sakit.

 

Ito na ang pangatlong beses na bumisita si Go sa probinsya ng Cotabato at nagkaloob ng tulong sa mga bakwit nang lindol.


Todo pasasalamat naman ang mga residente na tumanggap ng tulong mula sa Senador.


Sinabi din ni Go na prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte na matulungan ang libo-libong bakwit sa lindol sa probinsya at mga may ahensya na ng pamahalaan na nakatutok sa itatayong temporary shelter nito.



Source: https://www.bomboradyo.com/senador-bong-go-namahagi-muli-ng-tulong-sa-mga-biktima-ng-lindol-sa-north-cotabato/