INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go dapat mamuhuhan ang pamahalaan sa sektor ng kalusugan sa harap ng patuloy na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.


Sa Development Budget Coordinating Council Briefing noong Huwebes, sinabi ni Go na ang napakatagal nang puwang sa ating sistema ay nalantad, lalo sa sektor ng kalusugan at ito ay dapat na tugunan sa 2021 pambansang badyet.


“The coronavirus disease has considerably put us a step back, but as we withstand this crisis, we must rebuild our lives. As mentioned in the President’s budget message, we need to reset, rebound, and recover,” ani Go.


Kaya naman idiniin ng senador na dapat nang matuto ang bansa sa mga nasabing karanasan at kinakailangang mamuhunan ang gobyerno sa pag-aalaga sa pangkalusugan.


“We have to be pro-active and there is a need to revisit our policies and recalibrate our priorities in this new normal,” aniya.


Ani Go, ang pondo para sa 2021 ay dapat na tutugon, hindi lang sa pagnanais na malagpasan ang pandemya kundi maging sa paghahanda at paglaban sa iba pang krisis pangkalusugan na posibleng dumating.


“Bigyan po natin ang ating mga kababayan ng bagong pag-asa at mas maayos na kinabukasan,” ani Go.


Nangako ang senador na patuloy niyang ipaglalaban na patuloy na masustina ang pagpapatupad ng Universal Health Care Law (Republic Act 11223) sa pagsasabing nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte para magarantiyahan na mabibigyan ng pantay na access sa mura at dekalidad na healthcare services ang bawat Filipino.


“While there are concerns surrounding the implementation of the law amid the pandemic, I vow to fight for its continuous implementation. Napaka-importante ng kalusugan. Prayoridad natin ‘yan ngayon lalo na sa pandemic na ito,” anang mambabatas.


Source: https://journal.com.ph/editorial/miscellaneous/go-pagpapahusay-sa-public-healthcare-dapat-unahin-sa-2021-budget/