RESPONSE OF SEN. BONG GO: 


Ginawa ang Malasakit Center initiative para mabigyan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong medikal ang LAHAT ng Pilipino. 


Sabi ko noon, “basta Pilipino, matanda o bata, babae o lalaki, kakampi sa pulitika o hindi, it does not matter. Basta nangangailangan ay pwede humingi ng tulong sa mga Malasakit Centers saan man sa bansa”. 


Walang partisan o political considerations, walang pinipili na tutulungan, hindi kailangan ng anumang endorsement letter o ID mula sa pulitiko. Ito po ay isang solusyon ng Duterte administration para sa libu-libong Pilipino na humihingi ng tulong sa gobyerno para lang magpagamot. Pera niyo po ito, ibinabalik lang sa inyo. 


Ang Malasakit Center ay isang continuing program of President Rodrigo Duterte. Ito ay one-stop shop assistance center kung saan pinagsama sa isang opisina ang mga ahensiya na nagbibigay ng tulong pinansyal at medikal, lalo na para sa mga indigent and poor patients natin. 


PCSO is just one of the agencies in the Malasakit Center providing medical assistance. Along with PHILHEALTH, DOH, DSWD and PCSO, Malasakit Center becomes the processing center or the one-stop shop found in public hospitals so that patients do not need to waste their time lining up in different government agencies just to seek help. 


To clarify further, PCSO does not provide funds in the establishment of Malasakit Centers. All these agencies retain their medical assistance programs, with their separate funds, even if they are part of the Malasakit Center. MC is just a streamlining mechanism para mapabilis ang pagbigay ng serbisyo medical at pinansyal sa mga mahihirap na mga pasyente.


Sinumang pasyente, kapag pumunta doon para humingi ng tulong, dadaan sa proseso ng bawat ahensiya tulad ng PCSO. Hindi ang Malasakit Center ang pumipili ng bibigyan ng tulong. Ang mga ahensiya rin tulad ng PCSO ang magaassess kung magkano dapat ang ibibigay na tulong pinansyal. 


Sabi rin ng PCSO, their medical assistance program has been there even prior to Malasakit Center. There has been improvement in their service delivery in view of the concept of the one-stop shop Malasakit Center, making indigents' availment to their and other agencies' assistance programs easy and accessible.


If they want to investigate this, I have no objection. Para po ito sa tao kaya kung gusto nila malaman paano ito nakakatulong, welcome po sila na silipin ang operasyon ng Malasakit Center. 


Para po kay Congressman Lagman, gusto ko lang po iparating na isa sa pinaka-unang itinayo ang Malasakit Center sa Albay at successful ang operasyon nito para makatulong sa mga Bikolano. Nandoon pa po ang anak ninyo na si Vice Governor Grex Lagman sa opening para magwitness sa proyekto na ito. Mayroon rin tayong Malasakit Center sa Naga na binuksan recently. Wala pong pinipili ito, para po ito sa bawat Pilipinong nangangailangan. Do not be Anti Poor. Huwag po natin ipagkait ang tulong at pagmamalasakit natin sa ating mga kababayan. Pera niyo po ito, ibinabalik sa inyo sa pamamagitan ng maayos na serbisyo. ###