Sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na may nakalaan pa siyang extra na body bag para sa mga nangangailangan nito, kahit pa mga drug addict at nagpapakalat umano ng fake news.


Sinabi ito ng senador kasunod ng pinadala umanong liham ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa kanyang opisina upang manghingi ng tulong sa pagkuha ng cadaver bag para sa mga pumanaw na coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient.


Sinabi ni Go na pinadala na nito sa mga posibleng tumulong sa EAMC ang kanilang request.


“Nakatanggap ako sulat kahapon. Nirefer ko lang sa gusto tumulong, ginawan ng paraan, nabigyan body bag,” sabi ni Go.


Hinikayat pa ng senador ang lahat na tumulong sa abot ng makakaya.


Sabi pa ni Go, “Sino kelangan pa extra? Para sa drug addict or nagpapakalat fake news, meron pa ako.”



Source: https://tnt.abante.com.ph/bong-go-may-body-bag-para-sa-mga-adik-nagkakalat-ng-fake-news/