Ipinangako ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na tuloy-tuloy lang ang Duterte administration sa pagtulong at pamamahagi ng pangangailangan ng ating mga kababayang nahihirapan sa epekto ng COVID-19 pandemic matapos ang isinagawang 3-day relief operation ng kanyang grupo sa Labrador, Pangasinan simula Nobyembre 11 hanggang 13.


Sa kanyang video message, iginiit ni Go sa lahat ng local government units na makipagtulungan at magtrabaho, katuwang ang national government para matiyak na ang kanilang constituents ay hindi napag-iiwanan at nabibigyan ng mga pangangailangan.


“Huwag kayong mag-alinlangan na lumapit sa amin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte dahil trabaho namin ang magserbisyo sa inyo. Nagpapasalamat kami sa inyong lahat dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon na magserbisyo sa ating bayan,” ani Go.


“Sa mga kababayan naming mahihirap, nandito kami para sa inyong lahat. Hindi kami mangangako na kaya namin gawin ang lahat, pero makakaasa kayo ng gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya para magserbisyo sa inyo,” paniniyak niya.


Namahagi ang grupo ni Go ng meals, vitamins at masks sa tinatayang 4,000 beneficiaries, binubuo ng mga magsasaka, fisherfolks, persons with disabilities, Tricycle Operators and Drivers Association, indigenous people, out-of-school youth at single parents sa Bugallon covered court.


Ilang piling beneficiaries ang nakatanggap ng mga bagong sapatos, bisikleta at computer tablets.


Nagbigay naman ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development sa hiwalay na distribusyon ng financial assistance sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito.


“Mga kababayan, mayroon tayong Malasakit Center sa Pangasinan. Sabihan niyo ang mga kapitbahay niyo na mayro’n kayong Malasakit Center na tutulong para wala na kayong babayaran sa inyong pagpapaospital. Wala itong pinipili. Basta poor at indigent patient ka, qualified ka,” ang paalala ni Go sa mga residente.


Bago ito, noon namang November 9 at 10, ay namahagi rin ng ayuda ang grupo ni Go sa 3,000 indigent families, ambulant vendors at TODA members sa Mabini, Pangasinan.


Source: https://www.policefilestonite.net/2021/11/16/4-libong-residente-inayudahan-ni-bong-go-sa-3-day-relief-ops-sa-labrador-pangasinan/