Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na siya ring Vice Chair of the Senate Committee on Finance na hindi nito susuportahan ang anumang pagbabawas sa budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict dahil sa lawak ng gampaning masugpo ang insurhensiya sa ating bansa.


Pinanindigan nito ang pagsuporta sa NTF-ELCAC sa pagsasabing hindi dapat mahinto ang mga programa at proyektong reresolba sa ugat ng insurhensiya tulad ng kahirapan at social exclusion,


“Hindi po ako pabor sa pagbawas ng budget ng NTF-ELCAC dahil masasayang lang ang nagawa ng gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating bansa,” saad Go.


“Ako ay lubos na naniniwala sa NTF-ELCAC at sa anti-insurgency campaign nito. Now is not the right time to make such a drastic move considering that the government’s campaign to end armed conflict is gaining momentum,” pagpupunto nito.


Noong 2018 ay nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 70 na ikinalikha ng NTF-ELCAC. Ito ang bubuo ng whole-of-nation approach para maabot ang kapayapaan at sa pagsusulong ng National Peace Framework na maghahatid ng serbisyo sa mga conflict-affected and vulnerable areas.


Bilang katulungan sa pagkamit ng mga adhikain, ang iba’t ibang partner agencies na nagkakaloob ng tulong sa pamamagitan ng mga programa ay dedikadong matulungan ang NTF-ELCAC, tulad ng Livelihood Settlement Grant of the Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development na nag-aalok ng financial aid sa mga dating rebelde upang may magamit ang mga ito sa kanilang pagpapanimula bilang productive members ng komunidad.


“Sa aking pag-iikot sa bansa, nasaksihan ko mismo kung paano nakatulong ang NTF-ELCAC sa ating mga kapatid na Pilipino na nais magbalik loob sa ating lipunan. Bukod dito, nakakatulong din ang programang ito sa pagpondo ng barangay development lalo na sa mga malalayong lugar, upang hikayatin ang ating mga kababayan na huwag mamundok,” pahayag ni Go.


Sa pansariling kapasidad nito, ang mambabatas ay pinag-ibayo ang tulong at pagsuporta sa daan-daang mga dating rebelde sa mga conflict-affected communities ng Bohol, Bukidnon, Leyte Davao Oriental, Samar at Zamboanga del Sur, at iba pa. Ang mga benepisaryo ay bahagi ng Barangay Development Program ng NTF-ELCAC and Retooled Community Support Program ng Department of Interior and Local Government.


Kinumpirma ni Go na ang Duterte Administration ay nakatuon sa pagtulong sa mga dating rebelde na nagnanais magpanibagong buhay. Umapela ito sa Senado na maibalik ang budget ng NTF-ELCAC para matiyak na ang lahat ng returning rebels ay magkakaroon ng suporta sa pangangailangan nilang mapabuti ang kanilang pamumuhay at maging produktibong mamamayan.


“Napakasakit mabalitaan sa mga pahayagan na nagkakapatayan ang Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Kaya naman nananawagan ako sa aking mga kasamahan sa Senado na kung maaari ay ibalik ang budget ng NTF-ELCAC para naman hindi masayang ang pinaghirapan ni Pangulong Duterte sa pagbigay sa atin ang ligtas at komportableng pamumuhay,” apela ni Go.


Source:https://www.policefilestonite.net/2021/11/16/bong-go-di-pabor-makaltasan-2022-budget-ng-ntf-elcac/