Manila, Philippines – Handang suportahan ni Senador Bong Go ang mga kahilingan na suspendehin ang online classes ng isa hanggang dalawang buwan partikular sa mga matinding sinalanta ng magkasunod na bagyo at baha.


Sinabi ni Go na paano nga naman mag-aaral ang mga bata kung nawalan ng module o kaya ay mga gadget na ginagamit sa kanilang distance learning.


Ayon kay Go, kailangan mag-adjust sa sitwasyon ng mga mag-aaral lalo na at wala pa namang bakuna laban sa COVID-19.


Kaugnay nito ay umapela si Go sa Department of Education na pasyalan ang Marikina at iba pang lugar na binaha para makita ang sitwasyon ng mga estudyante.


Binigyang diin ni Go na importanteng hindi masayang ang school year ng mga bata pero mas mahagala aniya ang kapakanan ng mga ito.


Muling igimiit ni Go na mahalaga ang bawat buhay dahil ang pera ay maibabalik pero ang buhay na mawawala ay hindi na kailanman maibabalik. Kris Jose


Source: https://www.remate.ph/kahilingan-na-suspindehin-ang-online-classes-ng-1-2-buwan-aprub-kay-bong-go/