Umapela si Senator Christopher 'Bong' Go sa local government units (LGUs) at mga awtoridad na in-charge sa vaccine rollout na dalhin na ng direkta ang mga bakuna sa kanilang mga constituents na bahagi ng priority groups na babakunahan.


"Sa mga LGUs, paigtingin pa natin ang pagbabakuna. Dapat 'di magtagal ang stocks sa inyo. Marami nang gustong magpabakuna pero naghihintay. Nagagalit na ang iba. Pabilisin natin ang sistema para pag-distribute ng bakuna, maiturok na agad sa dapat maturukan," apela ni Go.


Source: https://tonite.abante.com.ph/mga-bakuna-ihatid-sa-constituents-sen-go/